Advertisers

Advertisers

Banker iniluklok ni Marcos sa BSP Monetary Board

0 9

Advertisers

INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si top banker Walter Wassmer bilang miyembro ng Monetary Board ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinagkakatiwala ni PBBM kay Wassmer ang nasabing posisyon sa BSP.

Bago pumasok sa pribadong sektor, si Wassmer ay naging consultant at non-executive director, Senior EVP at institutional banking group head ng BDO Unibank, Inc.



Nabatid na si Wassmer ay dati ring Senior Vice President ng Far East Bank and Trust Co. mula 1986 hanggang 1997; Assistant Vice President ng Union Bank of the Philippines mula 1983 hanggang 1986; at Corporate Account Officer ng Bancom Finance Corporation mula 1980 hanggang 1982. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)