Advertisers

Advertisers

UNIFORMED MEN SUGOD-MANSION KAY FLM!

0 12

Advertisers

BUONG kagalakan ang nadama ng mga unipormadong security guards ng isang high end subdivision sa Metro Manila matapos na sila ay anyayahan sa mansion ng tanyag na pilantropo sa katauhan ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos De Hum Honoris Causa PhD.

Si FLM, binansagang pandemic hero, humanitarian champion na buwan-buwan ay nagsasagawa ng medical at optical mission sa lalawigan mula Mindanao, Visayas at Luzon ay biniyayaan ng ayuda ang mga guwardiya ng subdivision na mga personaheng malapit sa kanyang puso.

“Kahit abala ako sa aking humanitarian mission sa mga lalawigan ay tinitiyak kong di ko kakalimutan ang mga taong abot-kamay ko lang at napakalaki ng papel na ginagampanan upang alagaan, pagmalasakitan at bantayan ang mga tahanan dito sa aming lunduyan” wika ni FLM.



Kamakailan ay nairaos nang matagumpay ng batang Marcos ang Isa sa pinakamalaking humanitarian mission sa bayan ng Ramon , probinsiya ng Isabela sa Norte katuwang ang FFCI Worldwide na pinamumunuan ni Pres.EO Batalan,Semi Di Speranza Foundation ni Chili Tita Cabatingan mula Cebu kaagapay ang Ramon LGU at ng tropang Bhon Bhon at Benedict.

Nakahanda na rin ang mga kasunod na medical at optical mission ni FLM pababa sa kapatagan ng Central Luzon tungong NCR tuloy sa Katagalugan, Kabikulan, Kabisayaan hanggang Kamindanaoan.

Ang promotor ng ‘Mayaman Challenge’ noong panahon ng pandemya ay namimigay ng libreng salamin at konsulta sa mata, smart phone, medical check up,wheelchairs, pabigas at cash sa mga mapapalad na receipients sa mga lugar na inaabot ng kanilang humanitarian mission.CHAMPION!

Lowcut:Abangan ang isang perstihiyosong billiards tournament ni FLM( fyi: si Francis Leo Marcos ay isang batikang bilyarista at nakasarguhan na niya ang mga bigatin sa Metro Manila noon) sa Tarlac na ‘For Legit na Manunumbok’ sa Bilyaran 2024 soon.Panauhin sa opening sargo sina champ FLM,Bhon2& Bennok and Pres Dong. ABANGAN! Shoutout sa mga taga-FFCI Worldwide sa pamumuno ni Pres.EO Batalan gayundin kina Emz Pascual, Clarita Dimayuga, Lorrie Pasicolan, Armando Pelayo,Sharon Agoncillo, Nina Fruscia, Charito Nepizon ng Cavite, Rakel Garcia ng Dasmarinas,

Sameera Aguilar at sa lahat ng FFCI sa buong mundo.Kay M’dam Chili Tita Cabatingan ng Semi di Speranza Foundation ng Cebu.Kudos to Kuya Sonnie Aguilar.Wish ng ating reader na si Rose Flores na makadaupang -palad muli si FLM para daw sa bayan…



Makararating!