Advertisers

Advertisers

Gagate No.1 pick sa 1st-ever PVL rookie draft

0 11

Advertisers

TULAD ng inaasahan, Thea Gagate ang naging kauna-unahang top pick sa Premier Volleyball League (PVL) rookie draft, na ginanap red-carpet style sa Novotel Manila Araneta sa Quezon City Lunes.

Gagate ay maglalaro sa Zus Coffee, ang dating Strong Group team na nagtapos winless a nakaraang All-Filipino Conference.

Kapwa La Salle alumnai Leila Cruz,Julia Coronel at Maicah Larozza ang sumunod na pinili ng Capital 1,Galeries Tower at Farm Fresh, ayon sa pagkakasunod, sa event na kung saan ang mainstays ng 12 teams at ang rookies ay nakasout ng gowns at elegant dress.



Nxled dinampot si Lucille Almonte sa No.5 at Akari pinili si Steph Bustrillo ng University of the Philippines.

Ang iba pa na first-round picks ay sina Cignal’s Rochelle Lalongisip, PLDT’s Angelica Alcantara, Chery Tiggo’s Karen Verdeflor, Petro Gazz’s Antonette Adolfo, Choco Mucho’s Lorraine Pecaña at Creamline’s Aleiah Torres mula sa Brock University sa Canada.

Zus dinagdag si Sharya Ancheta, Nikka Yandoc at Jen Zeta; Capital1 kinuha si Roma Mae Doromal at Gilliana Torres; at Galeries tinapik si Jewel Encarnacion, Dodee Batindaan at Danivah Aying.

Pierre Abellana maglalaro sa Farm Fresh, Razel Aldea para sa Nxled at Donnalyn Paralejas para sa Petro Gazz.

Pumalo sa 47 ang sumubok ng kanilang kapalaran.



Ginanap ng PVL ang Draft Combine sa Gameville Ball Park sa Mandaluyong City noong Hunyo 25 at 26, na ang free agents ay sumama sa newcomers sa pagasang makakuha ng kontrata.

Ang Reinforced Conference ay papalo sa Hulyo 16 sa PhilSports Arena sa Pasig City.