Advertisers
SISIKAD na ang prestihiyosong torneo sa larangan ng sining-marsyal na tradisyonal sa liping Pilipino- ang Cebu City Philippines Traditional Martial Arts SIKARAN Championship 2024 na nakatakda sa Hulyo 27 sa Cebu city Sports Institute ng naturang lungsod.
Ayon Kay Master Crisanto Cuevas, 8th Degree Blackbelt Global Sikaran Federation (GSF) General Secretary/ GSF Board of Trustees, nasa 25 manlalarong,adult at kabataang SIKARAN ang kasama nyang dadayo sa Cebu kabilang na ang dalawa nyang anak na lalaro din na galing pang California, USA pati kanilang coach at magulang na binubuo ng tropang Tanay at NCR delegasyon.
Lalahok aa higanteng torneo ang mga magmumula sa Luzon sa pangunguna ng GSF Raven Sikaran Tanay, GSF Wildcat Pasig, GSF Harapin ang Bukas Mandaluyong, Sikaran Police Academy Antipolo, GSF Elephant Sikaran Las Pinas, GSF Phoenix Sikaran Angono, GSF Red Dragon Sikaran na makikipagtunggalisa mga Katimugang GSF Tiger Sikaran Samar, GSF Black Scorpion Aklan, GSF Trojan Horse, Cebu at GSF Sikaran Masbate.
Pinasalamatan ni Master Cuevas ang todo suporta ng tanay LGU sa pangunguna ni Mayor Lito Tanjuatco, Vice Mayor RM Tanjuatco at Sangguniang Bayan ng Tanay at kay District 2 Congressman Dino Tanjuatco ng Rizal.
“Ating saksihan ang pinakamalaking kaganapang traditional na Philippine Martial Arts Tournament partikular sa mga Sikaran enthusiasts sa Cebu sa Hulyo 27.Lahat ng cream of the crops sa larangan ng Sikaran.Tena mga kabayan!” sambit ni Cuevas. (Danny Simon )