Advertisers
PINAG-IINGAT ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA ) ang publiko laban sa mga nagpapanggap na registered Lending o Financing Company na nag-aalok ng pautang subalit manghihingi muna ng deposito (advance fee) sa mga borrower.
Ito oy base sa abiso ng security and exchange commission na pagkatapos makakuha ng “advance fee” galing sa borrower, ay iba-block o tatakbuhan na sila ng mga nagpapangap na Lending at Financing Company.
Ang panloloko ay madalas nagaganap sa “Telegram” at sa iba pang social media platform.
Ayon sa modus operandi, ang biktima ay kunwari’y isasali sa isang group chat (GC) kasama ang mga nagpapangap na borrowers na nakatanggap ng loan sa tulong ng pekeng Lending o Financing company.
Madalas, ang mga makakausap sa GC ay hindi Pilipino kundi tunog banyaga kung magsalita.
Ang mga lehitimong lending o financing company anya ay hindi humihingi ng deposito, processing fee or advance fees mula sa mga borrowers bago magpautang.
Pinapayuhan ang publiko na maging mapanuri, mapagmatyag at umiwas sa mga ganitong klaseng modus operandi. (JOJO SADIWA)