Advertisers

Advertisers

PBBM posibleng ianunsyo ang susunod na DepEd Chief ngayong linggo

0 5

Advertisers

MAGTATALAGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) sa linggong ito.

Ginawa ni PBBM ang pahayag ilang araw matapos magbitiw sa puwesto bilang DepEd chief si Vice President Sara Duterte.

Sa isang ambush interview matapos dumalo sa 2024 National Employment Summit, sinabi ng pangulo na magluluklok na siya ng bagong kalihim dahil hindi maaaring mabakante nang matagal ang naturang posisyon.



Humihingi na aniya siya ng mga pangalan na maaring italaga sa ahensya.

Posible namang i-anunsiyo ni Marcos ang bagong kalihim ng ahensya ngayong Biyernes, Hunyo 28.

Giit ng presidente, hindi puwedeng mabalam ang trabaho ng DepEd kaya’t importanteng makapagtalaga na ng bagong kalihim dito.

Samantala, nilinaw ni Pangulong Marcos na hindi rin binanggit sa kanya ni VP Sara kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">