Advertisers

Advertisers

PBBM ‘DI NATATARANTA SA PAGTAKBO NG 3 DUTERTE SA SENADO!

0 19

Advertisers

“IT’S a free country”.

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang hingan ng komento sa mga plano ng ilang miyembro ng pamilya Duterte na tumakbo sa 2025 at 2028 elections.

“They’re allowed to do what it is they want,” sabi ni Pangulong Marcos sa panayam pagkatapos ng 2024 National Employment Summit nitong Huwebes sa Manila Hotel.



“At saka, maaga pa naman. Talagang hindi natin malalaman ang alinman sa mga bagay na ito. You’re talking about 2028. Ang dami pang mangyayari between now and 2028,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang tanging tunay na sitwasyon ay magiging malinaw sa Oktubre o sa panahon ng paghahain ng certificates of candidacy.

“Then we will see really kung tatakbo ba talaga? Sino ba talaga tatakbo? Kanino sasama? Ano ang mga kasangkot na partido? Aling mga partido ang nakikiisa sa alin? Doon lang natin makikita sa Oktubre,” sabi pa niya.

Una rito, inanunsyo ni VP Sara Duterte na sasabak sa senado sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Baste Duterte, at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Plano rin daw ni Mayor Baste na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028. (Vanz Fernandez)