Advertisers

Advertisers

MAYOR ALICE GUO AT GUO HUA PING IISA ANG FINGERPRINTS

0 12

Advertisers

INIHAYAG ni Senador Risa Hontiveros na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na tumugma ang fingerprints ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping.

Sa post online ng Senadora, iginiit nito na napatunayan na ang matagal niya nang hinala na “pekeng Pilipino” ang kasalukuyang alkalde ng Bamban. Isa aniya itong Chinese national na nagpapangap na Pinoy para pamunuan ang mga krimen sa Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO).

Ani Hontiveros, sapat na itong ebidensya para patalsikin sa pwesto si Guo. Ang pagsisinungaling aniya nito at pagpapanggap ay isang malaking insulto sa botante ng Bamban, mga institusyon ng gobyerno at sa bawat mamamayang Pilipino.



Una nang iniulat na itinanggi ng kampo ni Mayor Guo ang alegasyon na iisa lang ang alkalde at si Guo Hua Ping.

Sa ngayon, nananawagan ang Senadora sa Office of the Solicitor General na pabilisin ang pagsasampa nito ng ‘quo warranto’ case laban sa mayor.

Magpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Senado sa pagkatao ni Guo.