Advertisers

Advertisers

Maraming Chinese katulad ng problema ni Mayor Alice Guo

0 11

Advertisers

NANINIWALA ako na bumili ng pagkakilanlang Pinoy si Bamban, Tarac Mayor Alice Guo.

Maraming Intsik ang gumagawa ng ganito na naninirahan ngayon sa Pilipinas. Ito yung mga Intsik na ipinanganak sa labas ng Pilipinas (halimbawa sa China) at dito sa Pilipinas bininyagan, bumili ng pangalan at kapanganakan ng isang Pinoy.

Ganito marahil ang ginawa ng mga Intsik na magulang ni Alice. Bata pa ay dinala siya rito sa Pilipinas at bumili ng pagkatao ng isang Pinoy na kasing-edad din niya.



Maari ring sa Tarlac mismo ipinanganak si Alice. Pero dahil ang mga magulang niya ay Chinese nationals, kunwari ay pinakupkop siya sa mga magulang na Filipino at binigyan ng kapangalan ng isang Pinay. Kaya nang kalkalin ang kanyang pagkatao ay nabunyag na may kapangalan siya na kapareho lahat ng petsa ng kapanganakan.

Oo! Kapag kinalkal ang pagkatao ng maraming Filipino-Chinese na baluktot kung managalog, asahan na sila’y alien, bumili lang ng pagkatao o apilyedo ng isang Filipino. Mismo!

***

Tuwang-tuwa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa inanunsyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio na tatlong Duterte (kanyang ama at dalawang kapatid) ang tatakbong senador sa darating na midterm election.

Say ni Bato, hindi na sila mahihirapan ni Sen. Bong Go sa pangangampanya dahil magiging lima na sila.



Sigurado kasi na kapag tumakbo ngang senador ang mag-aamang ex-President Rody Duterte, Congressman Polong at Mayor Baste ay maisasama sina Bato at Bong Go sa lineup, at tiyak na makukumpleto ang tiket nila. Baka nga sa kanila pa tumiket ang super-ate ni PBBM na si Sen. Imee.

Si Imee kasi ay “out” sa tiket ng administrasyon, ayaw daw ng kanyang hipag na si First Lady Liza. Hehehe…

***

Sabi ni dating Senador Antonio Trillanes, kaya tatakbong senador ang mag-aamang Duterte ay para magkaroon lamang ng proteksiyon sa mga imbestigasyon ng kongreso kapag nanalo sila, at lumabas ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Nasa proseso na kasi ng pag-isyu ng arrest warrant ang ICC sa kinakaharap na kasong ‘Crimes Against Humanity’ ni dating pangulong Duterte.

Sina Polong at Baste naman kapag naging senador ay hindi na maiimbestigahan sa matitinding isyung ibinabato sa kanila, tulad ng P51 billion na nakuha ni Polong sa unang termino niya bilang kongresista sa huling tatlong taon ng termino ng kanyang ama; habang si Baste ay maaring imbestigahan sa ipinatupad niyang war on drugs sa Davao City kungsaan marami ang napatay na suspected criminals.

At si VP Sara ay posible ring maisalang sa impeachment sa mga kinakaharap nag isyu tungkol sa bilyones niyang intel funds simula mayor siya ng Davao City hanggang maging bise presidente, kabilang na rito ang P125 million intel fund na kanyang nilustay sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

Kapag naging senador ang kanyang ama at 2 kapatid at na-reelect sina Bato at Bong Go, may laban na sila sa impeachment kung sakali. That’s it!!!