Advertisers
MATAPOS ang apat na weekend games (Sabado at Linggo) sa Liga Baseball Philippines ( LBP) Tingzon Cup, bumabandera ang Itakura Parts Philippines( IPPC ) Hawks kontra pito pang koponan sa team standing.
Ang Laguna-based team na pag-aari ni Japanese national Philippine- based Kunifumi Itakura ay may kartada ngayong 4-1 panalo-talo upang manatili sa ituktok ng team standing.
Huling biktima ng Hawks ang Dumaguete Unibikers nitong nakaraang Linggo,9-1 para okupahan ang liderato sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy Zamora, President Jose ‘Pepe Munoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon
Si Ram Alipio ay may 2 hits at 1RBI,pinch hit si Jerome Florida full bases 3 RBI double,at si Saxon Omandac ay naka- single at 1 RBI.
Nag-pitch si Kenneth Delos Santos ng hanggang 6th at pumalit si Miguel Olmos sa 7th hanggang 9th.