Advertisers

Advertisers

In sickness and health: Mag-asawa na lumaban sa sakit, gumaling sa tulong ni Bong Go

0 8

Advertisers

Dahil tatlong beses nang dumaan sa malubhang sakit sa puso ang asawang si Jonaldo, hindi inakala ni Pia Daway, 65, ng Novaliches, Quezon City na lalala pa ang kanilang sitwasyon.

Ang unang dalawang operasyon ni Jonaldo ay nangyari sa pagitan ng 10 taon. Noong 2022, nangailangan siya ng isa pang kagyat na interbensyong medikal.

“Noong una po na siya ay naoperahan, bypass (surgery). After 10 years, naulit po siya. Ang procedure na po na ginawa ay angioplasty,” ang kuwento ni Pia.



Parang ayaw tigilan ng mga hamon sa buhay, si Pia mismo ay hindi nakaligtas.

“Ako, nagkasakit po ako ng cancer, dalawang cancer,” ani Pia.

Ang dobleng diagnosis ng cancer sa kanya ay nangyari sa panahon na ang kanilang financial resources ay numipis dahil sa mga medikal na pangangailangan ni Jonaldo.

Habang nasa desperadong sandali, inilapit sila ng isang kaibigang nagtatrabaho sa Philippine Heart Center sa Quezon City sa Malasakit Center.

“Ngayon, ‘yung kaibigan kasi namin, nandun sa Heart Center. ‘Sige, Tita,’ sabi niya sa akin, ‘Tutulungan ka namin… nandiyan po ang Malasakit Center,” kuwento pa niya.



Ang Malasakit Center, ay inisyatiba ni Senator Christopher “Bong” Go na idinisenyo upang bawasan ang mga bayarin sa ospital sa pinakamababang posibleng halaga sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang mga programa sa tulong-medikal ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Para kina Pia at Jonaldo, ang Malasakit Center ang nagbigay ng mahalagang pagbabago ng pag-asa at posibilidad sa kanila.

“Yung asawa ko, magkano po ‘yung kanyang maintenance… talaga hong ang mamahal,” sabi ni Pia.

Ngunit sa tulong ng Malasakit Center, nalampasan ng mga Daway ang mga pinansiyal na pasanin.

Dahil dito, napuno ng pasasalamat ang puso ni Pia kay Sen. Go.

“Pag kayo ay nangangailangan, lalo na sa sakit, ay, takbo kayo kay Malasakit Center. Kuya Bong Go! Sa iyo, nakita namin ang pagmamahal mo sa bayan,” ang masayang kuwento ni Pia.

Ang kuwento nina Jonaldo at Pia Daway na kinulayan ng kahirapan, katatagan, pagmamahal, at ng transformative support ng Malasakit Center, ay nagpapakita ng malaking pagkakaiba ng mahabagin na paglilingkod na maaaring gawin sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.