Advertisers

Advertisers

ILIGAL VENDORS AT TERMINAL SA PARANAQUE AT PASAY, ‘WINALIS’ NG MMDA

0 5

Advertisers

WALANG nagawa nang suyurin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ( MMDA ) ang mga naglipanang iligal vendors at iligal terminal sa kahabaan ng Roxas Blvd service road sa Baclaran, Paranaque at Pasay City.

Nabatid sa ulat , higit sampung jeepney driver na biyaheng Dasmariñas, Cavite ang inisyuhan ng ticket ng MMDA na illegal na nakaparada sa service road ng Roxas Blvd.

Pinangunahan ni MMDA Special Operations Group Strike Force Gabriel Go ang operasyon kung saan tinanggal ang mga nakasagabal sa kalsada.



Kinumpiska din ng MMDA ang mga gamit ng mga vendors tulad mga upuan at payong pero hindi naman kinumpiska ang kanilang mga paninda.

Ang grupo ng MMDA mula Baclaran ay nagtungo din sa Buendia at Zobel sa Makati City hanggang makarating sila sa lungsod ng Maynila. (JOJO SADIWA)