Advertisers

Advertisers

Ready na ba si Reddick?

0 3

Advertisers

Marami nagtatanong sa mga tagahanga ng LA Lakers kung handa na ba si JJ Reddick sa posisyon ng head coach ng kanilang koponan.

Paano daw ay walang karanasan sa trabahong bench tactician sa NBA ang dating player.

Kahit daw sa ibang major league ay hindi pa naging mentor ang kasama ni LeBron Janes sa isang podcast.



Sa tingin kasi ng mga may duda kay Reddick ay si LBJ ang mismong nagsulong sa pagtalaga sa ex NBA cager kaya nakuha nito ang puwesto kahit salat sa experience.

Hindi nga naman sapat na mahusay kang basketbolista at game analyst upang maging magtagumpay ka sa tungkuling H.C.

Ayon naman sa iba ay genius si Reddick at palagay ng front office ay bagong Pat Riley at Phil Jackson ito at kanilang napili matapos tanggihan ni Dan Hurley ng UConn ang kanilang alok.

Sana raw maalala ng mga kontra ang nangyari kay Tim Cone noon sa Alaska. Nakaupo si Cone sa bangko ng Milkmen dahil matalik siyang kaibigan ng may-ari ng kumpanya.

May nakitang gem si Wilfred Uytengsu kay Tim na nagkumbinsi sa kanya na kunin ang kabarkada.



Sulit na sulit ang pagsugal kay Cone na naging winningest sa liga.

Inaasahan na ganyan din mangyari kay Reddick sa Los Angeles.

***

National University Bulldogs na itinaguyod ng LubDub Cafe/Haiyan Builders ang nagkampeon sa Piña Cup ng Ormoc, Leyte..

Ito ang ulat ni Kons Rey Evangelusta ng situdad. Tinalo ng team ng UAAP ang St Benilde Blazers ng NCAA upang sungkitin ang korona ng Inter-Collegiate Basketball Tournament na ginanap sa Ormoc Superdome.

Sa susunod nangakong babawi raw mga taga-Taft ayon sa dating Purefoods stalwart.

***

Maagang umalis ang delegation natin para sa Paris Olympics upang makapag- adjust sa weather sa France. Isang buwan pa bago ang simula ng tuwing apat na taong sports spectacle.

Pinangunahan sila ng mga flag bearer na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio.

Hinuhulaan na ang mga naturang boksingero natin ang mag-uuwi ng mga medalya.

Siyempre nandiyan din ang pole vaulter na si EJ Obiena.