PPP Party-list ini-endorso na sa Visayas at Mindanao
Advertisers
Mabilis ang pag hakot ng mga supporters ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) party-list sa Visayas at Mindanao, sa kabila na ito ay bago pa lamang.
Dahil sa hinahain na programa tulad ng protektahan ang mga mangingisda at matibay na pag talima sa kurapsyon, mabilis kina-ibigan ng mga mamamayan sa Visayas at Mindanao.
Kamakalawa lamang, maging ang magaling na alkalde ng Davao City na si Mayor Baste Duterte na anak ni dating Presidenteng Rodrigo Roa Duterte ay pormal na nag-deklara ng suporta sa PPP Party-list.
“Kumpyansa po tayo ang mga nominees ng PPP Partylist ay 100% na magiging malaking tulong sa ating bansa. Ganitong party-list po ang kailangan natin upang tunay na mapag-laban ang mga kapos-palad natin na mga kababayan lalo na pa ang mga mangingisda,” matibay na pahayag ni Mayor Baste.
Inaasahan na patuloy dadagsain pa ng impresibong dami ng supporters ang PPP Party-list sa sandaling mag-ikot ito sa bansa dala-dala ang programa na tutugon sa mga pang unahin na problema ng bansa.