Advertisers

Advertisers

Koreana na wanted sa fraud naaresto ng BI sa NAIA

0 11

Advertisers

NAARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa mapanlokong investment scams.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 42-anyos na pasahero ay pinigil na makaalis ng bansa sa NAIA 3 terminal noong June 18 matapos na magtangkang sumakay ng Cebu Pacific flight patungong Hanoi.

Siya ay pinagbawalang makasakay matapos na makita ng BI officer na nagproseso sa kanya na siya ay isang wanted sa listahan ng Interpol.



Hindi na pinangalanan ang babae alinsunod sa umiiral na Interpol protocols sa mga taong subject ng blue notices.

Sinabi pa ni Tansingco na bukod sa kabilang sa Interpol’s watchlist, ang passport ng pasahero ay iniulat sa Interpol na nawawala at ninakaw.

?“She will thus be deported for being an undesirable and undocumented alien after which she will be placed in our blacklist and banned from re-entering the country,” dagdag pa ng BI chief.

Ayon sa BI-Interpol, ang babae ay pinaghihinalaang nanloko ng kanyang mga kababayan noong 2019 sa pamamagitan ng investment scam kung saan nagoyo niya ang kanyang mga biktima na ideposito ang kanilang pera sa kanyang sariling bank account.

Pinangakuan niya ang kanyang mga biktima na gagamitin niyang capital sa kanyang money lending business at ibabalik ang kanilang pinuhunan na mas malaking pera.



Subalit tumalikod ang suspek sa kanyang pangako at kung susumahin ang niloko niyang pera sa biktima ay umaabot sa mahigit na 385 million won, o tinatayang US$277,000.
Nabatid pa na mula 2018 hanggang 2019 ang suspek ay nakapanloko din ng 10 iba pang biktima na ininganyo na mag- joint account sila at pinangakuan na maibabalik ang puhunan nila may kasama pang interes kada dalawang buwan.

Pero hindi ito natupad matapos na tumakas ang suspek nang makapagdeposito ang biktima ng 60,000,000 won o tinatayang US$43,000. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)