Advertisers
DAPAT imbestigahan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa isiniwalat ng ni-raid na POGO na Lucky South 99 (LS 99) sa Porac, Pampanga.
Sabi ng mga opisyal ng LS99, nagbabayad sila ng $200 million kada buwan, at nagbayad din ng $2 million para sa lisensiya sa PAGCOR.
Ipinakita nila ang mga dokumento na legal silang POGO.
Naglagay pa nga raw sila ng $200 million sa isang opisyal ng PAGCOR para mabigyan ng lisensiya.
Sino kayang opisya ito? Sa panahon kaya ni Digong o sa administrasyong Marcos, Jr. ngayon? Surely hindi sa panahon ni late PNoy.
Kung sino mang opisyal na ito ng PAGCOR na nakorap ng $200m ng LS99, secret billionaire na ito ngayon. Mismo!
Dapat paimbestigahan ito ni Pangulong “Bongbong” Marcos kung seryoso siyang hindi mabahiran ng korapsyon ang kanyang administrasyon. Now na!
Oo! Hindi dapat palagpasin ni PBBM ang mga ibinunyag na ito ng taga-LS99, na pinasinungalingan din ang mga “kuwento” ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (POCC) na silang nag-raid sa kumpanyang POGO.
Puros daw kasi kasinungalingan ang ulat ng PAOCC. Hmmm…
Ano kaya kung Senado ang mag-imbestiga sa ibinunyag na ito ng taga-LS99?
Senate President Chiz Escudero, gising!
***
Nanlalambot na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang katayuan sa politika. Mukhang wala na raw magsasama sa kanya sa tiket sa darating na eleksyon. Araguy!!!
Malamang daw sila nalang ni Sen. Bong Go ang magsasama nang walang partido, guerilla style nalang daw ang kanilang gagawin. Hahaha…
Mukhang malabo na ngang maka-2nd term si Bato, pero si Bong Go tiyak marere-elect!
Sabi, nanalo lang daw kasi itong si Bato sa magic ng Smartmatic noong 2019, at sa tulong narin ni noo’y President Duterte. Ganun?
Ngayong wala na si Digong, at kumalas narin si Vice President Sara Duterte sa gabinete ni PBBM, biglang nabalian ng pakpak ang mga dating akala mo’y unbeatable. Weder weder lang talaga sa politika. Mismo!
***
Dapat imbestgahan uli ni Senador Raffy Tulfo ang talamak na oil smuggling sa bansa partikular sa mga pier ng Batangas, Navotas, Malabon at Bataan.
Ang pinakamatindi raw dito ay si alyas “Dondon Alahas” na nagbabagsak ng mga smuggled petro products sa buong CALABARZON (Calamba-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon).
Ang sindikatong “Violago Group” naman ang may kontrol ng mga paihi o buriki mula sa smuggled petro products sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga.
May kasabwat ang mga grupong ito sa mga opisyal ng Customs at PNP kaya hindi natitinag. Kung salakayin man ang kanilang puwesto ay moro moro lang, para lang may masabing accomplishment ang mga awtoridad laban sa mga buriki o paihi.
Inimbestigahan na ito noon no Sen. Tulfo, pero biglang natigil. Bakit kaya? Nagtatanong lang po…