Advertisers

Advertisers

France tinapos ang VNL Manila sa 5-set win kontra Brazil

0 2

Advertisers

GINAPI ng reigning Olympic champion France ang Brazil,25-23,27-29,13-25,25-19,18-16, sa Men’s volleyball Nations League (VNL) Week 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City Linggo.

Bago naglaro dito, ang France 8-4 at Brazil 6-6 ay pasok na sa Final Phase na gaganapin sa Lodz,Poland sa Hunyo 27 to 30.

Opposite spiker Theo Faure umiskor ng 29 points on 25 kills, three service aces at one block upang pamunuan ang kanyang team sa tagumpay.



Outside hitter Kevin Tillie nagdagdag ng 14 points habang outside Yacine Louti, at middle blocker Quentin Jouffroy bumakas ng tig-8 puntos sa dalawang oras at 28 minutong aksyon.

Ang Bazil ay pinamunuan ni skipper Ricardo Lucarelli, na umiskor ng 14 kills,three blocks at one service ace.

Opposite spiker Alan Souza nagtalaa ng 15 points,kabilang ang six blocks,habang outside hitter Adriano Fernandez may 11 kills.

Dati, Moritz Karlitzek umiskor ng 21 points on 17 kills, two blocks at two aces para pangunahan ang Germany sa 25-20,25-23,25-20 wagi laban sa Iran.

“We’re super happy that we could finish the VNL this year for us with the victory and go home with a good feeling,” Wika ng 27-year-old Karlitzek, na naglaro para sa Polish club Indykpol AZS Olsztyn.



Moritz Reichert nag-ambag ng 13 kills habang outside hitter Ruben Schott at middle blocker Tobias Krick nagdagdag ng tig-4 na puntos para sa German’s na gumasta ng isang oras at 29 minuto para magwagi sa laban.

Amin Esmaeilnezhad pinamunuan ang Iranians sa iniskor na 17 attacks at two blocks habang si Hossein Khanzadeh Firouzjah Poriya umiskor ng 10 attacks.