Advertisers
ARESTADO ang dalawang lalaki na itinuturing bilang most wanted persons ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Navotas.
Sa ulat, 4:50 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang pwersa ng Caloocan Police Cadena De Amor Sub-Station at PDEG, SOU, NCR sa joint manhunt operation sa Tulip St., Brgy., 174, Camarin ang 25-anyos na lalaking wanted sa kaso ng iligal na droga.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Victoriano Banez Cabanos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 127, Caloocan City noong December 29, 2022 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-possession of Dangerous Drugs.
Sa Navotas City, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes sa manhunt operation sa B. Cruz St., Brgy., Tangos-North ang 36-anyos na lalaking residente ng Navotas.
Ayon kay Col. Cortes, dinakip ang akusado ng mga operatiba ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodolfo P. Azucena Jr ng RTC Branch 125, Caloocan City noong January 16, 2024 para sa paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act).(Beth Samson)