Advertisers
Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials.
Kinilala ang suspek na si Benjie Ortillano Y Dayao, na kilala rin sa pangalang Bench Ortillano Lee.
Natuklasan ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) na ginagamit ng suspek ang iba’t-ibang mga social media platform tulad ng Twitter, Facebook at Telegram sa pagbebenta ng mga mahahalay na litrato at video ng mga menor de edad.
Nagulat ang mga imbestigador sa lantaran na pagbebenta ng suspek na naniningil gamit ang GCash.
Ang malala pa nito, nakita sa ilan sa mga nasabing video na nakikipagtalik mismo ang suspek sa mga menor de edad.
Binigyang-diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kahalagahan ng pag-aresto sa suspek upang ipakita ang dedikasyon ng DOJ sa pagtatanggol sa kabataan.