Advertisers

Advertisers

Ginang sinaksak ng 17 beses at ginilitan

0 13

Advertisers

Pinatay sa 17 saksak at ginilitan ng leeg ang isang ginang ng kanyang kagalit na bayaw sa Barangay Ilomavis sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato noong Sabado, June 15, 2024.

Kinilala ang biktima na si Sharon Rose Lapis, 45-anyos; at ang salarin na si Julie Solilom, 40-anyos.

Sa pahayag nitong Martes ni Col. Gilbert Balneg Tuzon, director ng Cotabato Provincial Police Office, matagal ng may alitan ang biktima at salarin.



Sa ulat ni Jimmy Mantawil, chairman ng Barangay Ilomavis, unang nagtalo dalawa bago naganap ang insidente sa isang lugar sa Sitio Anitap sa Ilomavis.

Ayon sa kay Mantawil at mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office, sinaksak ng 17 beses in Solilom si Lapis at ginilitan ng na leeg bago tumakas.

Magkatuwang na hinahanap na ng mga operatiba ng Kidapawan City CPO at ng Cotabato PPO si Solilom.