Advertisers
TINANGGAL ang Filipino-Cypriot big man AJ Edu sa FIBA Olympic Qualifying Tournament habang ang dating Gilas Youth member ay kasalukuyang nagpapagaling sa knee injury na kanyang natamo nakaraang taon.
“AJ is out,” Wika ni Gilas coach Tim Cone sa brief message sa The Manila Times.
Ang spot ni 6-foot-10 Edu ay pupunuan ni barangay Ginebra veteran Japeth Aguilar.
Hindi rin nakapaglaro si Edu sa Gilas sa panahon ng kickoff window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers nakaraang Pebrero kung saan giniba ng nationals ang HongKong at Taiwan.
Hindi rin kasama sa OQT ang Barangay Ginebra wingman Jamie malonzo, na nagpapagaling simula ng sumailalim sa surgery dahil sa left calf injury.
Ateneo’s Mason Amos ang kukuha sa spot ni Malonzo.
Ang Gilas ay nakatakdang magsimula ng training at preparasyon para sa FIBA OQT sa Biyernes, Hunyo 21 sa Inspire Sports Academy sa Calamba,Laguna.
Sinabi no Cone na inaasahan niya na lahat ng 12 miyembro ng squad ay dumalo na nabigyan ng maiksing panahon para maghanda para sa OQT,na magsisimula sa Hulyo 2 sa Riga,Latvia.
Ang Gilas ay pamumunuan ni naturalized player Justin Brownlee, kasama si June Mar Fajardo,CJ Perez, at Chris Newsome, Calvin Oftana, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kai Sotto, Kevin Quiambao pati si Carl Tamayo, laban sa host country Latvia at Georgia.