Advertisers
WALONG potensyal gold medals ang mawawala sa Pilipinas sa 33rd Southeast Asian Games (SEAG) sa susunod na taon kapag tinanggal ng host Thailand ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu, at karate sa kanilang 40-sport program.
“We already appealed to the Thai hosts the inclusion of weightlifting, wushu, jiu-jitsu, and karate,” Wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino Martes.
“And it’s not only the Philippines which appealed, but a majority of the games’ members,” dagdag ni Tolentino, na dumalo sa SEA Games Federation meeting sa Bangkok nakaraang Linggo.
Ang 2025 SEA Games ay gaganapin sa Bangkok, , Chonburi, at Songkhla, Thailand mula Disyembre 9 to 20.
Jiu-jitsu’s Kaila Napolis, Annie Ramirez, at Marc Lim; wushu’s Agatha Wong; karate’s Jamie Lim at Sakura Alforte; at weightlifting’s Erleen Ando at Vanessa Sarno nagdeliver ng gold medals sa 32nd SEA Games sa Cambodia nakaraang taon.
“We will lose a lot of gold medals if the appeal won’t be granted,” Sambit ni Tolentino, na sinamahan sa meeting ni POC secretary general Wharton Chan, deputy secretary-general Ali Sulit ng judo, Don Caringal ng volleyball, Karen Tanchangco-Caballero ng sepak takraw, at Carl Sambrano ng skateboard.
Ang Pilipins ay sasabak sa lahat ng 40 medals sports sa Thailand pero hindi sa demonstration sports tug-of-war at flying disc or frisbee.
Ang POC ay wala pang napisil na chef de mision ng Team Philippines para sa 2025 Games.