Advertisers

Advertisers

Intl. Singer At “King of Hosts” Jules Graeser Nakasama Sina Gary V at Apl De Ap Sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration Sa California

0 36

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

LAST June 8 from 7:30 AM to 6 PM (US time) ay muling nagkasama-sama ang mga Pinoy community at mga banyaga sa Carson California para sa pagdiriwang ng 126th Annual Philippine Independence na nagpahinga lang noong pandemic pero yearly ang celebration nito na ang mga nagiging guests ay mga sikat na Pinoy artists and international artists.

Like this year ay sina Gary Valenciano at Apl De Ap ng Black Eyed Peas ang pangunanhing performers sa nasabing event kasama ng ilang local singers sa California. And Jules Geaser is very proud at siya ang host ngayong taon ng Independence Day Celebration at malaking karangalan talaga ang mapiling host ng said event na malaking okasyon sa buong California, USA.



Say nga ni Jules nang aming makausap recently thru video call ay iba yung feeling na mag-host ng malaking event na ito na dinadagsa ng ating mga kababayan. Kahit sanay na raw siyang mag-host sa malalaking crowd ay iba pa rin itong host sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration na kasama ng naglalakihang guests. Ginanap ito sa Veterans Park 22400 Moneta Ave. Carson, California. And finally, dahil sa husay sa hosting na tinagurian nga siyang “King of Hosts” ay naitawid ni Jules ang pagho-host nito.

At natutuwa siya sa magandang feedback sa kanyang hosting. Pano bukod sa mahusay sa kanyang larangan ay magaling ding singer at performer si Jules kaya bentang-benta siya sa iba’t ibang event sa America. Malaking factor din sa career ni Jules ang pagiging TV host sa Chime TV sa show na ” A LOOK INTO OUR AMERICA” at recording artist na may dalawang single na released na “MAARI BANG IBIGIN KA?” at “KATUPARAN” na parehong komposisyon ni Vehnee Saturno. Coming na rin soon ang 3rd single ng said famous TV Personality.

***

Dovie San Andres At Artistahing Mga Anak Na Sina Elrey Binoe At Duke Alexander Hindi Nawawalan Ng Pag-asa Na Magkapelikula

DAPAT kung hindi naloko o nabudol ng malaking pera at alahas ng pekeng director na si Paolo “Something,” dapat may pelikula na 15 years ago ang controversial social media personality sa Canada na si Dovie San Andres.



At makakasama sana ni Dovie sa movie na siya ang producer ang mga bata pa noong mga anak na sina Elrey Binoe at Duke Alexander na parehong artistahin at may dugong banyaga. Pero lahat ng pangarap ni Dovie para sa kanya at mga anak ay naglaho dahil sa scammer na si Paolo, na nagpakilalang director na bukod sa pera at alahas na nakuha sa kanya ay kinawawa pa sila nito na nagdulot ng malaking trauma kay Dovie at sa dalawang anak.

Lahat ng ginawang pambubudol sa kanya ng mapagkunwaring  director daw ay dokumentado kaya’t wala siyang kawala rito, kapag kinasuhan siya o ipa-Tulfo ni Dovie.

Well, sa mahigit isang dekada grabe ang stress at anxiety na idinulot kay Dovie ni Paolo na hustler sa panloloko sa mga gustong mag-artista. May ilan pang nanloko ng malaking halaga kay Dovie na sinamantala ang kanyang kahinaan at ito ay ang starlet sexy actor hanggang ngayon na si James “Something.” Pero pangit man ang naging karanasan sa walanghiyang nilalang, tuloy pa rin ang buhay kay Dovie at in the future ay itutuloy pa rin nito ang naunsyaming pelikula. Yes, yan ang goal ni Dovie San Andres, ang makapag-produce uli ng pelikula na sila ng mga anak na sina Elrey Binoe at Duke Alexander ang mga bida. Isang action-drama film ang nais gawin ni Dovie. At kapag nangyari na ito ay tiyak mabubura na ang parating sinasabi kay Dovie sa social media na “Artistang walang pelikula!”