Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni RR Enriquez sa Fast Talk With Boy Abunda, Inamin niya na hindi siya selosang tao pero talagang inaaway niya ang mga babaeng lumalandi at nakikipag-flirt sa kanyang asawang cager na sia Jayjay Helterbrand.
Ayon pa kay RR, talaga raw playboy noon ang kanyang mister at kasabay ng rebelasyong inagaw niya ang basketball player sa dati nitong girlfriend.
“Kasi si Jayjay, talaga aminado naman siya playboy po talaga siya. Before niya ako naging girlfriend mayroon po siyang girlfriend po talaga. So we were a thing,” sey ni RR.
At kahit daw magkarelasyon na sila ay may pagkakataon pa ring nag-cheat si Jayjay kaya nasabi ni RR na iyon na raw ang kanyang karma sa pang-aahas na ginawa niya.Pero bilang palaban at wala ring inuurungan, hindi pinalampas ni RR ang mga babaeng nagme-message at nagpaparamdam kay Jayjay.
“Marami akong na-message na mga babae. Talagang inaaway ko parang nag-e-enjoy ako. Ha-hahaha!” aniya pa.
Pero napakalaki raw ng naging pagbabago sa ugali at pananaw sa buhay ng kanyang asawa nang mapalapit ito sa Diyos.
“‘Yung first two years namin Tito Boy medyo rocky ‘yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang tumino naman. Hindi nangbababae,” pagbabahagi ni RR.
“Ako naman ‘yung parang naghahanap ng kaaway!” ang natatawa pang hirit ng socmed personality.
Marami rin daw ang nagbago sa kanya nang maging Kristiyano siya at ito rin daw ang naging daan para maisip niyang humingi ng sorry sa dating girlfriend ni Jayjay.
In fact, okay na okay at friends na sila ngayon ng ex ni Jayjay, “Yes, I apologize kasi siyempre bata, ‘di ba parang bata hindi ka nag-iisip.
“Naagawan kasi ako ng jowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, ‘Ah ganoon, ah? Agawan pala ng jowa ang mangyayari, ah.’
“So ganoon po ginagawa ko dati. Hindi ako proud pero ganoon po ‘yung ano thinking ko” rebelasyon pa ni RR.
***
SA guesting din ni Ian Veneracion sa Fast Talk With Boy Abunda, isang big NO ang sagot niya nang tanungin kung payag ba siyang mag-frontal nudity sa isang acting project.
Sey ni Ian, hindi raw talaga niya keri ang maghubad sa harap ng mga camera, lalo na ang pagpapakita ng private parts.
“Because hindi ako comfortable sa katawan ko. Pero the artist in me would say, ‘Of course, why not?’ But again, being me, No!,”sabi ni Ian .
In fairness, kahit medyo nagkakaedad na si Ian, napakarami pa ring kinikilig at nagpapantasya sa kanya, kabilang na riyan ang mga bading at matrona.
Sey ng aktor, hindi raw siya takot na tumanda sabay turo sa kanyang bigote at balbas, “Kapag pumuti na lahat ito, feeling ko, gagayahin ko na si George Clooney o si Phil Jackson.
“I just feel it adds character. Even wrinkles,” aniya pa.
Tungkol naman sa isyu ng indecent proposal, inamin ng 49-anyos na aktor na meron din siyang natatanggap na offer, “Directly, no. Hindi diretso. Mga pahapyaw siguro pero directly wala.
“Kung sakali man, I would appreciate the honesty. I would say, ‘Thank you for being straightforward, but no.’ Kumbaga, I’m not selling that service,” sey ng aktor.
Flattered at natutuwa rin siya kapag may nagsasabing karamihan sa mga supporters niya ngayon ay mga tita, nanay at lola na.
“I’m always being teased about na my market are the titas and the lolas. I am really proud to have my army of titas and lolas behind me.
“Parang sinasabi ko, sila nga yung discerning ones, so I appreciate it. I’m really proud of them,” sabi pa ni Ian.
Samantala, inamin din ng aktor na may mga pagkakataong tumatanggi na rin siya sa mga proyektong inaalok sa kanya lalo na kapag feeling niya ay hindi bagay sa kanya ang material.
“I’m very fortunate to be in the position that I can say no, not because I have that much.
“Baligtad, e, when I reached the age of 35 or 40, I started subtracting. Before that, it was all addition. You want more cars, you want more clothes, more friends.
“So when I got to mga 40, I had to do subtraction. Bawas kaibigan, pipiliin ko lang yung mga kaibigan. Bawas damit, bawas luho, bawas lahat so I can arrive at this position.
“And I’m able to say, ‘No, I don’t want to do that. I don’t want to do this.’
“Hindi magastos na lifestyle and finding the beauty of the mundane and simple things. I made that my mantra,” paliwanag pa ni Ian.