Advertisers

Advertisers

Carlo at Charlie kinasal na; Mga anak ni Ruffa ayaw sumawsaw sa awayang Annabelle-Sarah

0 11

Advertisers

Ni BETH GELENA

KINASAL na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon nitong nakaraang Linggo, July 9.

Nangyari ang ‘secret marriage’ ng celebrity couple sa isang private resort sa  Silang, Cavite.



Ang mga larawang naglabas sa social media platforms ay mula sa Myio Okamoto Photography Facebook.

Ang principal sponsors ay sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at sina Senator Bong Revilla at misis nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.



Double celebration para kay Charlie ang naganap sa kanyang buhay.

Before siyang ikasal kay Carlo ay siya ang tinanghal na Urian Best Actress ng June 8 ng gabi.

***

NAGREAK ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa kontrobersiyang nai-involve ang kanilang pamilya.

Anila, aware naman daw sila sa nangyayaring controversy sa kanilang pamilya.

Very close pa rin ang magkapatid sa misis ni Richard Gutierrez.

Lalo na hanggang ngayon ay nila-like pa rin nila ang mga post ni Sarah Lahbati sa IG account nito.

Sa sagot nina Lorin at Venice, ibig nilang magkaayos ang kanilang pamilya. Malawak ang pag-iisip ng magkapatid at hindi sila sumasawsaw sa isyu.

May nagkomento ngang, “that’s right girls, remain classy wag kayo magmana sa lola nyo na daming naka away”

“Close pa naman sila nina Sarah, kahit nung nagkahiwalay na si S&R.

Sa isang panayam kasi ay natanong sina Lorin at Venice hinggil sa controveraial na komento ng kanilang Lola Annabelle.

Ani Lorin: “There is nothing to tell just like I love all of them. I love all the members of my family.”

Sey naman ni Venice: “Past or present. We love them. We just have so much love.”

Natanong din ang magkapatid sa komento ni Annabell sa breakup nina Richard at Sarah.

“I’m very used to lola always speaking her mind. It’s really nothing new to us. It’s just lola!” ani Lorin.

Dagdag naman ni Venice: “I just let her be kasi matanda na.”

***

MISTER NI ALEX CRUSH SI YASSI

SA Instagram post ni Alex Gonzaga ay nag-contest ang dalawang couple — Alex and Mikee Morada at ang eldest sister ni Alex na si Toni at mister nitong si Paul Soriano.