Advertisers

Advertisers

LUCAS AT MAGLINAO VS BURIKI KING DONDON ALAHAS, BULOY, SGT. GERRY ATBPA!

0 1,376

Advertisers

NAGING manhid ang dating Batangas PNP Provincial Director Col. Samson B. Belmonte sa mga karaingan ng mga Batangueno na aksyunan ang mga ilegalistang petro smuggler, buriki lord at mga operator ng Small town lottery con jueteng o bookies, pergalan (perya na pulos sugalan), sakla at iba pang ilegal na aktibidades na nagresulta sa pagkasibak nito sa kanyang pwesto?

Ang pagkawala ni Col. Belmonte sa Batangas bilang pinakamataas na pinuno ng kapulisan ay maluwag sa dibdib at tanggap ng mga mamamayan ng 29 na bayan at limang siyudad ng lalawigan ni Batangas Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas.

Sa pamamayagpag ni Col. Belmonte, naging uhaw sa maayos at tapat na serbisyo ng kapulisan ang mga mamamayan ng naturang lalawigan. Kahit araw-araw na kalampagin noon sa mga daing, reklamo na aksyunan ang mga kailegalan sa kanyang hurisdiksyon ay naging mistulang pagal, manhid at matandang hukluban si Col. Belmonte sa mga karaingang idinudulog sa kanyang tanggapan.



Hindi alintana ni Col. Belmonte ang talamak na operasyon ng smuggling at buriki ng petroleum product, illegal vices at iba pang uri ng ilegalidad na naging dahilan ng paglobo ng kriminalidad sa dati ay pinakatahimik na lalawigan sa rehiyon. “Belmonte’s loss is Batangueno’s gain” nang palitan ng matikas, pamoso at batikang Investigation Chief Col. Jacinto “Jack” Malinao si Col. Belmonte.

Maraming kritiko ang nagtataya na tulad ni Col. Belmonte ay baka hindi din kayang supilin ng PNPA graduate na si Col. Malinao ang numero unong smuggler at buriki operator na si alyas Dondon Alahas, ang Cebuano based petroleum smuggler na may pinakamalaking burikian sa rehiyon na matatagpuan sa inuupahang pwesto sa likod lamang ng bahay ni Brgy. Aguila Chairman Felix Gutierrez sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron.

Pagkatapos magdiskarga ng daan-daang libong litro ng smuggled na krudo at gasolina mula sa kinalululanang barge at barko ay sinasahod ang mga petroleum product ng mga closed van at tanker truck ng mga kasabwat na Chinese petroleum dealer at direktang ipinadedeliver sa ibat ibang gasoline station sa CALABARZON at Luzon area,

Ang malaking kantidad ng smuggled petro product ay iniimbak sa mahigpit na binabantayang kuta ni Dondon Alahas sa Brgy. Aguila ng limang armado ng M-6 rifle at pistola na pinamumunuan ng kapatid ni Dondon Alahas na si alyas Niño. Bantad man sa pagbubunyag ng mga mamamahayag at civic group ay dedma at ipinagkibit balikat lamang ito ni Col. Belmonte?

Ang isa pang napaka garapal at delikadong burikian ay ang pinatatakbo nina alyas Buloy at ng isang PNP colonel malapit sa gate ng Batangas City Pier sa barangay ni Sta. Clara Chairman Derick Arago. Ilang metro lamang ang layo ng kuta nina alyas Buloy sa mga opisina ng Bureau of Customs at iba pang port authority, ngunit hindi naaaksyunan ang lantarang pagnanakaw doon ng petroleum product sa mga tanker truck ng kakutsabang driver sa lote na pag-aari ng Chinese Mestizo na si Tan. Sina Buloy at ang protektor nitong colonel na nagpapatakbo din ng operasyon ng higit pa sa 500 colorum van, gamit na illegal terminal ang parking area ng pier..



Sa tinatayang mahigit na 5,000 unit ng colorum van na paroo’t-parito sa buong CALABARZON area ay aabot sa Php 8M butaw o payola ang araw-araw na nakokotong ng mga protektor na tulad ni Buloy, ng kasosyong police colonel at mga kasabwat pang isang alyas Sgt. Laysa aka Luisa, alyas Chairman Toto at Alakdan. Ngunit tila walang muwang o baka naman nagmamaang-maangan lamang sa mga kabalbalang ito si PPA Gen. Mgr. Jay Daniel Santiago?

Malaking bahagi ng tong ay naibubulsa naman ng mga “kapustahan” (police tong collector) na inorganisa ng isang alyas Maklang, alyas Wano at alyas Sgt Adlawan upang pangasiwaan ang “tara” mula sa sindikatong buriki, petro at oil smuggling, colorum van, illegal terminal at mga vice operations.

Ang iba pang burikian sa iba’t ibang panig ng CALABARZON, Region 3 at National capital Region ay ang minamantine ng miyembro ng Calamba Police Office na si alyas Sgt. Gerry sa Brgy. San Isidro, Brgy. Malabanban Sur kapwa sa bayan ng Candelaria at Brgy. Lumingon sa munisipalidad ng Tiaong pawang sa Quezon Province; RR sa Brgy. Bawi at alyas Roy F. sa Brgy. San Felipe parehong sa bayan ng Padre Garcia, Ed at Rico sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Malvar, pawang sa lalawigan ng Batangas; alyas Bong sa likod ng Roadside Inn, Brgy. Isabang at Troy sa Brgy. Salinas, parehong sa Lucena City at Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis sa bayan ng Guinyangan, sa hurisdiksyon ni Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte; ni alyas Ador sa Brgy. Turbina at dalawa pang katulad nitong pwesto sa Brgy. Paciano Rizal, kapwa sa Calamba City at sa Silangan Exit, Cabuyao City na inooperate ng kapatid naman ni alyas Ador. May tig dalawa pang buriki sa lalawigan ng Cavite, Rizal Province, bayan ng Mariveles, Bataan, Pampanga, Tarlac at Metro Manila at apat sa Bulacan.

Hamon sa kakayahan nina PNP RD4-A BGen Paul Kenneth Lucas at Col. Malinao ang paglaban sa mga naturang sindikato. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144