Advertisers

Advertisers

Adik na miembro ng SAF sinibak!

0 10

Advertisers

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP – SAF) na sinibak na nito sa puwesto ang isa nilang tauhan nang magpositibo sa ikinasang drug test.

Ayon kay PNP SAF Director, Brigadier General Mark Pespes,sumalang sa drug test ang 93 nilang tauhan bunsod ng nakuha nilang intelligence report na may mga miyembro silang gumagamit ng iligal na droga.

Ayon kay Pespes, ang nag-iisa nilang tauhan na nagpositibo sa drug test ay may ranggong Patrolman.



Una na aniyang nagpositibo sa initial drug test ang naturang pulis noong isang linggo at muling nagpositibo ito sa confirmatory test.

Hindi na pumalag pa ang naturang pulis, tinanggap na lamang ang resulta ng isinagawang drug test sa kaniya. (Mark Obleada)