Advertisers
NAGMISTULANG semento ang itsura ng pitong sapa at talon nang balutin ng mud flow o lahar mula sa ibinugang abo ng Bulkang Kanlaon.
Ito’y simula nang magbuga ng ilang libong tonelada ng abo at bato mula sa pagputok ng bulkan na bumaba at naimbak sa mga halaman lupa, ang depositong ash fragments, at umagos sa ilog at creek dahil sa pag-ulan nitong Huwebes.
Makikita ang itsura ng mga ilog na animo’y sementado na ang dating malinaw at malinis na tubig.
Ilang residente ang mano-manong nililinis ang mga debris ng lahar na tumigas na sa kalsada.
Sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources Negros Islands, ang mga sapa at ilog na naapektuhan ng lahar ay ang Tamburong at Intiguiwan sa La Castellana at Padudusan,
Binalabagan sa Biak Na Bato, Canlaon City.
Nagbabala din ng DENR na iwasan ang mud flow na ito, na bukod sa masamang dulot sa balat, mapanganib din sa buhay ng tao.