Advertisers

Advertisers

GUNMAN SA EDSA-AYALA TUNNEL, POSITIBO SA PARAFFIN TEST

0 10

Advertisers

WALANG lusot at positibo ang lumabas na resulta ng paraffin test na ang ‘gunman’ na si Gerrald Raymund Talusan Yu ang responsable sa pagkamatay ng isang stay-in family driver na binaril ng una habang nagkagitgitan ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng EDSA- Ayala Tunnel, sa lungsod ng Makati noong Martes.

Nabatid sa resulta ng imbestigasyon, ang pulbura mula sa nakumpiskang baril, isang Taurus pistol ay tumugma sa nakuhang fired cartridge sa pinangyarihan ng krimen. Ito ay base sa inilabas ng ballistic examination matapos siyang isailalim sa paraffin test.

Nakuha rin sa suspek ang dalawa pang pistola kung saan ay dinala sa PNP Forensic Group para sa ballistic examination.



Sa pagsuri sa Firearms and Explosives Office, natuklasan din ng PNP na walang nakarehistrong baril sa pangalan ng suspek.

Sa isang press briefing, ibinunyag ni DILG secretary Benjur Abalos na ang itim na Mercedes Benz na may plakang BCS77 ay nakarehistro sa isang indibidwal na nakatira sa Las Piñas City na hindi na matagpuan sa lugar.

Sa isang follow-up operation kalaunan ay humantong sa pagkakakilanlan at lokasyon ng suspek sa kahabaan ng Riverside Village, Pasig City.

Nakita rin sa tirahan ang isang itim na Mercedes Benz na tumutugma sa CCTV subalit pinalitan ang plaka nito na may plate number na DAD 98670;

Dagdag pa ni Abalos ang plate number na BCS77 ay natagpuan din sa loob ng Mercedes Benz na gamit ng suspect ng mangyari ang insidente.



Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong murder sa Makati City prosecutors office. (JOJO SADIWA)