Advertisers
Arestado ang isang tulak ng droga nang makuhanan ng P340,000.00 halaga ng shabu sa Valenzuela City nitong Miyerkoles.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief PCol Allan Umipig ang suspek na si alias ” Ambo”, 38, barker, at residente ng Ka Carlos St. barangay Rincon Valenzuela City , isang HVI/ pusher.
Sa ulat, 9:40 ng umaga ng masakote ang suspek naang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa illegal drug transaction ng suspek at nagpositibo sa balidasyon sa 60-O Ka Carlos St Domingo Compound Brgy.Rincon Valenzuela City.
Nagsagawa ang Station Drug Enforcement Unit ng VCPS ng isang buy- bust operation at nakapagtransaksyon sa suspek .
Nakumpiska ang 50 grams ng shabu na may Standard drug price na P340, 000.00, buy bust money at black pouch..
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 11 of R.A 9165 (Comprehensive Drug Act of 2002).(Beth Samson)