Advertisers
Hinoldap ng magdyowang magkaangkas sa motorsiklo ang isang convenience store sa Barangay Anahaw 1, Silang, Cavite.
Nasa halagang P5,000 cash na kita ng 7/11 convenience store na matatagpuan sa nasabing.lugar ang natangay ng lalaking suspek sakay ng motorsiklo na nakasuot ng puting sweatshirt, itim na face mask at itim na basketball jersey short, habang itim na jacket at itim na leggings naman ang suot ng babae.
Ayon sa report, pumasok ang dalawang suspek na nagpanggap na customer sa nasabing convenience store 4:02 ng madaling araw.
Ang babae, nagkunwaring tumitingin ng mabibili habang ang lalaki dumiretso sa counter, naglabas ng patalim at tinutukan si alyas Benedict, 23, Operational Management Trainee at nagdeklara ng holdap at tinangay ang P5,000 na laman ng cash register saka mabilis na tumakas sa direksyon ng Governor’s Drive, Barangay Old Bulihan, Silang, Cavite.
Nagsasagawa ng backtracking ng Closed Circuit Television (CCTV) para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.