Advertisers

Advertisers

PBBM bumuo ng ‘super body’ para paigtingin ang proteksiyon ng human rights

0 7

Advertisers

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang ‘super body’ na may katungkulan upang mabi-sang ipatupad ang kanyang utos para sa mga pangu-nahing ahensya ng gobyerno na higit na kampeon ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa.

Ipinag-utos ng Pangulo ang paglikha ng isang “Special Committee on Human Rights Coordination’ upang ipatupad ang Administrative Order No. 22 na naglalayong pahusayin ang mga mekanismo para sa pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang pantao sa Pilipinas.

Ang espesyal na komite ay pamumunuan ni Executive Secretary at co-chaired ng Department of Justice (DOJ) Secretary kasama ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Interior and Local Government (DILG).



Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang Administrative O 22 noong Mayo 8. Ito ay magkakabisa kaagad sa pagkakalathala nito sa Opisyal na Pahayagan, o isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon.

Bago ito, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagpapaigting sa mga nagawa ng United Nations para sa Joint Program on Human Rights (UNJP) sa pamamagitan ng institusyonalisasyon ng isang malakas at malusog na proseso ng multi-stakeholder para sa pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang pantao sa Pilipinas.

Nakatakdang mag-expire ang UNJP sa Hulyo 31. (Vanz Fernandez)