Advertisers

Advertisers

Direk Njel ratsada sa intl. filmfests

0 27

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULING magpapakitang-gilas ang batikang director na si Direk Njel de Mesa.

Nakatakda kasi siyang gumawa ng kasaysayan dahil sabay-sabay na ipalalabas ang anim sa sampu niyang pelikula sa isang prestihiyosong international filmfest sa Japan.
Maituturing na pambihira ito dahil wala pang nakakakuha ng ganitong record sa sinumang director sa Pilipinas.



Consistent kasi ang pagiging winner ni Direk Njel mula nang manalo na siya sa Palanca.

Natigil lamang ang paggawa niya ng pelikula nang manilbihan siya sa MTRCB bilang Vice Chairman.

Pero ngayon ay tuluy-tuloy ang ratsada niya bilang filmmaker dahil pumatok ang kanyang mga kakaibang kwento sa panlasa ng mga foreigners.

Ang “Malditas in Maldives” na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee ang nangunguna sa listahan. Patok din sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan ang “Mama ‘San?” ng bagong artista sa showbiz na si Shaneley Santos na nagshooting pa sa Tokyo.
Hindi rin pahuhuli ang kakaibang thriller tulad ng “Coronaphobia” na nagtatampok kina Daiana Menezes at Will Devaughn.

Libre naman mapapanuod sa festival ang “Creepy Shorts Anthology” at ang 1st Prize Don Carlos Palanca Award-winning film na “Subtext” starring Paolo Contis, Ciara Sotto at Ely Cellan. Nakapasok din sa official selection category ang “Must Give Us Pause” na isang matinding drama story na tumatalakay sa mental health.
Maraming “firsts” si Direk Njel sa set na ito dahil maituturing na siya rin ang kauna-unahang direktor na nakatapos ng isang local production na nag-shooting sa Maldives.



Ginawa ito ni Direk Njel para mabigyan ng pansin ang katotohanan na ilang taon na lamang ay lulubog na ang Maldives dahil sa phenomenon ng Climate Change.

Sa Singapore rin kinunan ang “Must Give Us Pause” samantalang ang “Mama, San?” ay sa Tokyo nag-shooting.

Inubos ni Direk Njel ang kanyang savings para puhunanan ang kanyang mga pelikula kaya naman, hindi niya mapigilan ibahagi ang kanyang pinagdaraanan.

“Araw araw akong puyat dahil sa editing namin, akala ng mga tao wala kang ginagawa kasi wala kang pinopost. Ang hirap pala talaga kapag sabay-sabay ang mga pelikula ginagawa kasi matrabaho talaga,” sabi ni Direk.
Mukhang magbubunga na ang paghihirap ni Direk ngayong taon dahil talagang nakatutuwa ang mga pelikula niya na iba’t iba ang genre. Kung nais niyong makita ang mga trailer, mag-click sa www.facebook.com/NDMstudios.

Maaring mapanuod ang kanilang mga trailer, teaser at clips www.facebook.com/NDMstudios, www.youtube.com/NjeldeMesa, www.instagram.com/NjeldeMesa.