Advertisers

Advertisers

Break na naman?… Catriona binura sa socmed ang engagement pic nila ni Sam

0 8

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA Twitter at X account ni Liza Soberano ay makikita ang pagrepost nito ng pagdedemanda ni Bea Alonzo sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz.
Maraming nag-screenshot na isinend kay Ogie para sa pagrepost ng demanda ni Bea kay Ogie.
Kahit ang ama ni Liza ay nag repost din at may hashtag pa itong Yes!

Ayaw sana sagutin ni Ogie dahil kapag nag comment ito ay masasaktan daw ang kabilang panig.
Pero napilitan na ngang magreak si Mama O kahit ayaw na nga sana nito magkomento.
Ani Ogie sa kanilang vlog na wala naman daw problema kung irepost ni Liza dahil karapatan daw niya’yun at socmed account niya ‘yun.



Pang aasar pa ng dating manager ni Liza nairepost daw ng paulit ulit sa kanyang account ay okey lang.
Kung makatutulong daw sa career niya ang pagre repost niya.

***
Netizens nalito na matapos burahin ni Catriona Gray ang kanilang engagement photo ni Sam Milby.
Dati nang nag cool off noon at bigla ring nagkabalikan sina Cat at Sam.
Ngayon naman may bagong napansin ang netizens sa posted pics ni Catriona.

Noon nakitaan ng photo sina Cat at Sam together na may hawak na cup at may nakasulat na Mr.Milby and future Mrs. Milby.
Nandun sa account ni Sam ang engagement photo nila ni Cat at di pa nito binubura.
Nang dalawin naman ang socmed account ng netizens ang account ng Miss Universe 2018 napansin na burado na ang nasabing photo.

Kaya naisip ng netizens kung tuloy pa ba ang road to forever nina Catriona at Sam.
Well, well, well…’Yun na!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">