Advertisers
Kulong ang 47-anyos na ama sa umano’y maraming beses na panggagahasa sa tatlong anak sa Barangay Talbek, Dupax del Sur, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si alyas Mario, na makailang beses umanong hinalay ang 15-anyos na anak, ang huli noong Hunyo 21, 2023.
Ayon sa ulat , ginahasa rin umano ng suspek ang kanyang pangalawang anak na babae mula pa noong siyam na taong gulang ito.
Ang kanya namang bunso anak ginahasa umano ng suspek noong nakaraang taon.
Nasa kustodiya na ng Dupax del Sur Police Station ang suspek, na nahaharap sa mga kasong rape.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala niyang paglaya.