Advertisers
Lumantad ang mga bagong biktima ng ‘palit-ulo scam’ na pinatutupad umano ng isang ospital sa Valenzuela City.
Kinumpirma.ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, kasama sina Coun. Atty.Bimbo dela Cruz at City Police Chief PCol. Allan B. Umipig ang pagpapalabas ng warrant of arrest sa mga akusadong sina Maria Cristina Eugenio, Raymond Masaganda, at Samuel Delos Santos, mga hospital staff ng Ace Medical Center dahil sa Slight Illegal Detention na isinampa ni Lovery Magtangob habang naghihintay ng fiscal resolution si Richel Alvaro, mga unang biktima ng ‘palit-ulo scam’ ng Ace Hospital sa Malanday, Valenzuela City.
Iprinisinta naman ng alkalde ang karagdagang biktima ng ‘palit-ulo’ laban sa ospital na sina Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na nakaranas din ng trauma noong 2017 at 2021.
Nagsilang si Zafra ng isang premature baby sa Ace Hospital noong October 2017 na tumagal kasama ang anak ng mahigit isang buwan na may bayaring P500,000 at nakapagbayad ng P200k.
Sa tulong ng Public Attorney’s Office, nakalabas ng ospital si Zafra subali’t hindi inisyuhan ng birth certificate ang anak.
Isa pang lumutang na biktima si Cheryluvic Ignacio na nagpositibo sa Covid- 19 noong October 2021.
Ika- 11th day, araw ng kanyang paglabas, umabot ng P275,374.47 ang bayarin at may balanse itong P150,372 00, bigong makakuha ng promisorry note at hindi pinalabas ng nabanggit na ospital hanggang natapos ang quarantine at natulungan ng kaanak na bayaran ang balanse.
April 15, sinamahan ni Mayor Wes at Atty. Bimbo dela Cruz na magsampa ng kaso sina Zafra at Ignacio.
Hinimok naman ng alkalde sa iba pang biktima na lumutang at tutulungan ng lokal na pamahalaan na makamit ang hustisya.(Beth Samson)