Advertisers
TINAPOS ng Perpetual Help at College of Saint Benilde ang nine-game elimination round na walang talo para maaresto ang automatic finals berth sa NCAA Season 99 volleyball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City Linggo.
Winalis ng three-time champion Perpetual ang Emilio Aguinaldo College,25-23,25-23,25-23, para sumulong sa finals na malinis ang rekord para sa ika-limang sunod-sunod na season.
Reigning Most Valuable Player Louie Ramirez umiskor ng 19 attacks at ace, habang si Jefferson Marapoc nagdagdag ng 13 attack, at Kobe Tabuga may nine points,kabilang ang four blocks, para sa perpetual.
Ervin Patrick Osabel nagtapos ng 20 attacks para sa Generals, na nabigo sa unang pagkakataon sa 9 na laban para sa second place.
Ang Letran, ay nasa second place na 5-3, makakaharap ang San Sebastian College sa Miyerkules.
Ang fourth at huling slot sa men’s Final Four ay kasalukuyang pinag-aawayan.
Umusad ang CSB sa women’s championship round matapos ipinta ang 21-25,25-21,20-25,25-21, 15-7, laban sa Lyceum of the Philippines.
Dinaig ng Perpetual ang EAC,25-16,25-19,20-25,25-16, para patatagin ang kanilang semifinal bid na may 5-4 card.
Tinapos ng EAC ang kanilang season na walang panalo.
Pinamunuan ni Gayle Pascual ang CSB sa 17 attacks at four blocks sinundan ni Michelle Gamit na may 14 points at Zamantha Nolasco na may 11 points,kabilang ang three blocks.
Ang Lyceum, na hawak ang 6-3 rekord, ay pinangunahan ni Johna Denise Dolorito, na nagtapos ng 24 points, on 23 attacks.