Advertisers

Advertisers

PBBM PABOR IBALIK SA DATING SCHOOL CALENDAR ANG PASUKAN

0 6

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ‘go signal’ na mula sa kanya na maibalik ang dating school calendar kung saan planong gawing Abril at Mayo ang bakasyon at Hunyo ang pasukan.

Sa isang ambush interview sa Pasay City, sinabi ng pangulo na umaasa siyang sa susunod na taon ay maipatutupad na ito.

Sinabi rin niya na siya mismo ang humiling sa Department of Education (DepEd) na pag-aralan nang maigi ang mga mungkahing ito at magsumite ng rekomendasyon ukol sa nasabing usapin.



Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nararapat na ibalik ang dating school calendar dahil araw-araw niyang napapanood sa TV, naririnig sa radyo, at nababasa sa mga diyaryo ang kanselasyon ng mga klase dahil sa sobrang init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon.

Una nang sinabi ng DepEd na naipasa na nila sa tanggapan ng pangulo ang kanilang rekomendasyon hinggil dito, at sa katunayan ay hinihintay na nila ang pag-apruba ng punong ehekutibo rito. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)