Advertisers

Advertisers

Kahit kaw pa Bea…Cristy walang pwedeng pumigil para magsalita

0 11

Advertisers

Ni BETH GELENA

HINDI na nga  nakayanan ang ginagawa nina Cristy Fermin at Ogie Diaz kaya nagsampa na ng cyber libel si Bea Alonzo.

Paninirang puri na nga raw ang pinangangalandakan na di raw ito nagbabayad ng buwis.



Masyado na nga raw apektado ang aktres at malaking kahihiyan ang mga pagbabalita nina Cristy at Ogie

Parehong wala pa raw natatanggap na subpoena sina Cristy at Ogie kaya di naman pa sila makapag-komento.

Di naman matanggap nina Cristy at Ogie na pinagkakakitaan daw ng dalawa ang kanilang mga ibinabatong tsika.

Ani  Cristy na wala raw sinuman na pwedeng magbusal sa kanilang bibig para magpahayag.

Tanda pa ni Cristy na nung panahon pinupuri at ipinagtatanggol pa nito si Bea nakatikim ba raw ito



ang batikang kolumnista at vlogger nang kahit thank you man lang.

At di nga raw hinubog ang Crisry Per Minute at Showbiz Now Na ay para kay Bea na lahat ay puwedeng talakayin, punahin at pitikin kung kinakailangan.

Sa kabilang banda natodo sa sagad na si Bea kaya nagsampa raw ito ng kaso.