Advertisers

Advertisers

Joy- bagong Lydia?

0 6

Advertisers

Joy Talliente. Siya ang katorse anyos na taga-Laoag na nagwagi ng apat na ginto sa katatapos na palaro ng Region 1 Athletic Association.

Ang discovery ni Mayor Michael Keon ay nanalo ng gold sa 200m, 400m, 800m at sa 4 x 400m.

Bukod diyan may bronze pa siya sa 4 x 100,m.



Ayon kay Keon bagama’t maliit kung ikukumpara kay Lydia de Vega ay sigurado niya na pwede ihambing ang Ilokana sa Bulakeña.

“Nakita ko kay Joy ang determinasyon at husay ni Lydia noon,” wika ni Keon

Gaya ng gusto dati ng hepe ng Gintong Alay kay de Vega ay kaya ni Joy mag-focus sa long distance.

Komo mas bata si Joy ay posible raw niyang mahubog ang kababayan sa mahabang takbuhan ayon sa alkalde ng Laoag.

Kapag tumantanda nga nanan ang atleta ay lalong tumirindi ang stamina na kailangan sa mahahabang karera sa track and field.



Ang peak ng isang manlalaro ay sa pagitan ng 21 hanggang 28 kaya malayo pa mararating ng pambato ng Ilocandia.

Yan ang isa pang rebelasyon sa panayam natin sa kanya sa OKS @DWBL noong isang linggo.

***

Kasisipa lang ng Lakers kay Coach Darvin Ham at buo niyang staff pagkatapos ng early exit sa first round ng team.

Ang Bucks naman hindi pa tapos ang season ay pinatalsik na si Coach Mike Budenholzer. Pero dahil nagka-injury si Giannis Antetokounmpo ay wala rin nagawa ang humaliling si Doc Rivers.

Mayroon pang mga mentor na mawawalan ng trabaho sa mga susunod na araw.

Ang coach kasi unang sinisisi kapag below expectation ang performance ng isang prangkisa. Hindi masyado napapansin ang mga star bilang dahilan kasi sila ang bida at pinanonood ng tao.

Eka nga eh “players win games, coaches lose them”.

Sinasabi na nainis si Giannis sa gusto ni Coach Mike na i-trade ang utol.

Gayon din daw si LeBron kay Coach Ham na ayaw sa first five dati. Minsan naman nabuwisit si James sa di pagtawag ng challenge ni Ham sa kanyang maling pito sa kanya ng ref..

Siyempre papaboran ng management ang mga superstar kaysa mga bench tactician.

Ganyan ang buhay!

***

Pagkatapos winalis ng Timberwolves ang Suns sa 1st round ng NBA playoffs ay tinalo nila ang Nuggets sa Game 1 ng kanilang 2nd round series sa Denver.

Malamang malayo mararating ngayong season ng Minnessota. Baka sila makaharap ng Boston sa NBA Finals.