Gen. Marbil gamit sa ‘tong’ collection sa ‘buriki’ at illegal terminal ng ‘Magsino Group’ (Part 2 ng serye)
Advertisers
By: CRIS A. IBON
MALIBAN sa burikian ng grupo ni Buloy may minamantine ring kuta ng “buriki” ang isang alyas Roy Nueva sa Barangay Saimsim, tapat ng Yakult Philippines sa Calamba City; Brgy. San Isidro at Brgy. Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria; at sa Brgy. Lumingon, pawang sa lalawigan ng Quezon na hurisdiksyon ni Colonel Ledon Monte.
Ipinagmamalaki ni alyas Roy ang kasosyo nitong isang PNP Provincial director sa kanyang ilegal na negosyong ayaw na ayaw naman ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan na makapasok sa kanyang probinsya.
Mayroon din burikian ang isang alyas Bong malapit sa likod ng isang hotel sa Brgy. Isabang at Troy sa Brgy. Salinas sa Lucena City; habang isang Sammy ang nagpapatakbo ng burikian sa Brgy. San Luis, Guinyangan.
Bukod sa operasyon ng colorum van, illegal terminal at burikian ay sangkaterba rin ang mga pergalan at puesto pijo na sugalan ng isang Boknoy sa Tagaytay City; Target Mall; Balibago; Judith sa Tram Plaza, Don Jose; Sto Domingo, Binan City; Fe at Ronnie sa Pulong Sta Cruz; Garden Villas; Jessica sa bayan ng Magallanes; Amadeo Jong; Jun ng SM Sta. Rosa at iba pa, pawang sa Laguna.
Sa Batangas ay may dalawang permanenteng sugalan si alyas Glenda sa Brgy. Santiago at Brgy. San Vicente, Sto. Tomas City; bukod pa sa mga pergalan sa Brgy. Bulihan ni Joseph, Brgy. Inosluban ni Jayson; Brgy. San Vicente Ferrer ni Pearly; mga ino-operate ng durugista at drug pusher na si alyas Charlie sa Brgy. Lumbang, Sampaguita, Brgy. Halang; Brgy. Bagong Pook at Poblacion Rosario.
Mayroon ding mga pergalan sa Sitio Balimbing; Brgy. Mayasang ni Edith, Brgy. Mataas na bayan ni Malou; Bulaclacan ni Bebot; Brgy. Pag-olingin East ni Ernie sa Lipa City; Larry Bokbok malapit sa dating Caltex Refinery, Poblacion San Pascual; Brgy. Malabanan ni Danny Bakla; Brgy. Ambulong, Tanauan City; at Brgy. Luntal; Brgy. Tejero at Poblacion Taal ni Tess; Brgy. Ibabao at Poblacion Cuenca; Poblacion Alitagtag, Poblacion San Luis ng magkasosyong Mely at Denden; Brgy. Iyao-Iyao at Brgy. Bayabas ni Tony at Brgy. Talaibon at napakaraming iba pa.
Ayon sa nakalap pang ulat ng mga Anti vice crusader, ang Magsino tong collector group ay siya ring dahilan kung bakit naging mapangahas ang bentahan ng shabu sa mga rebisahan ng taya sa STL bokies, mga kuta ng mga pergalan, sakla, smuggling at buriki matapos na magpadala ng manifesto ang isang nagpakilalang “Magsino” na ikinalat sa mga pergalan operator kamakailan na nagpapahayag na: “Good pm mga kaibigang peryante na kasangga namin sa tulong para sa opisina. Kapapasok lang po ng info ako din ang authorized na dumampot ng SOU/STF. Ako din po ang naka-deklara sa taas na dadampot para sa Batangas area. Kung sinuman po ang hindi makikisama o madamputan ng iba, hahawiin ko po at sila ang ipapasa sa opisina kung may magtanong man po. Order po ito ni Major… Authorized ni Sir, tao ni taas na ayaw ko po mabanggit, basta taas ang pinakatuktok”.
Pagkat dating pinuno ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang PMA Class ‘91 si PDGen. Marbil ay tiyak na walang ligtas sa kanya ang MAGSINO tong collector group. May karugtong…