Advertisers

Advertisers

Dragonboat World Championship sa Palawan… TURISMO LOLOBO SA PUERTO PRINCESA

0 3

Advertisers

MAS lalawig pa ang industriya ng turismo sa Palawan sa taong kasalukuyan tampok dito ang hosting ng dambuhalang internasyunal na kaganapang ICKF World Dragonboat Championship na sasagwan sa Puerto Princesa City ng naturang lalawigan sa Oktubre-Nobyembre ng taon.

Ayon kay Puerto Princesa City Tourism head G. Toto Alvior, napakalaking bagay ang naiaambag ng sports tourism partikular sa ekonomiya ng naturang lungsod na kabisera ng turismo at palakasan.

“Ang paparating na international dragonboat competition ay magdudulot ng pagdagsa hindi lng ng mga tourist athletes kundi pati ang mga makakasama nilang pamilya at kaibigan na mageenjoy di lang sa kumpetisyon kundi maging ang masaksihan nila ang mga ipinagmamalaking tourist hubs sa Palawan at karatig”, wika ni Alvior.



Gayundin ang ilalargang club teams local competitions ay tiyak ang dagsa ng local tourists isang linggo bago ang main event ng international dragonboat; festival na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Festival sa pamumuno ni president Leonora Escollante at punong-abala ang Puerto Princesa City sa pamumuno ni Mayor Bayron.

“Its all systems go.. thanks sa suporta ni Puerto Princesa City Mayor Lucio Rodriguez Bayron, City Tourism office,PSC at POC at sa mga pribadong sektor na nais tumulong para sa tagumpay ng hosting na karangalan ng bansa” , wika ni Escollante matapos makadaupang-palad sina Tourism head Alvior , sports head Rocky Austria at deputy Kristine Bonbon sa kanilang tanggapan kamakailan. (Danny Simon)