Advertisers

Advertisers

Binigyan ko ng P50 taxi fare si Willie Revillame; Gary V nakaligtaan ba niya ako?

0 29

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA

NOON papasok ako ng Faces, isang sikat na disco sa Makati City, ay nakasalubong ko si Willie Revillame na nakainom at humihingi sa akin ng pantaxi.

Binigyan ko ng P50 (mahalaga ito noon) at nagpasalamat siya sa akin. Ngunit hindi natuwa si Maricel Soriano sa pagbigay ko kay Willie. Asawa ni Willie (si Becbec Soriano) noon ang kapatid ni Maricel at bestfriend naman ng kapatid kong si Au Medina.



Ngunit alam ko darating ang panahong gaganda ang buhay ni Willie. Bukod sa pagiging sidekick ng mga artista isa rin siyang  drummer pero mahina ang kita niya noon.

Hanggang sa dumating ang swerte kay Willie sa ABS-CBN. At natuwa ako. Tama ang sinabi ko kay Maricel na gaganda ang buhay ni Willie.

Pero minsan nagkita kami ni Willie mismo sa Museo Orlina, pagmamay-ari ng pinsan ko, si Ramon G. Orlina, sa isang  pagtitipon. May hotel noon si Willie na malapit sa pinsan ko.

Sa isang umpukan, tinanong ko si Willie kung natatandaan pa niya ako at niyaya ko siya na bumisita sa mga batang may kanser na tinutulungan ko. Busy raw siya at di na niya ako pinansin. Di niya alam na kamag-anak ko ang may-ari ng Museo Orlina sa Tagaytay City.

***



KUMAKAIN ako ng lunch noon sa canteen sa  SPS building sa De La Salle University-Manila.

Nang may isang lalaking guwapo ang gustong maki-join sa akin sa table at umoo naman ako.

Siya’y kilala ngayon  bilang Mr. Pure Energy, si Gary Valenciano, miyembro ng  grupong Kundirana sa La Salle Green Hills kung saan miyembro rin ang aking kaklase at seatmate, si Randy Santiago, ang Mr. Shades.

Nalaman ko rin kay Gary na may diabetes siya. Pagkatapos namin magtanghalian sinamahan ko si Gary sa clinic ng pamantasan.

May pagkakataon nakikita ko siyang sumasabit sa pampasaherong dyip dahil mahirap sumakay pag uwian na sa hapon. Iyong pagsabit niya sa dyip ang naging inspirasyon ko sa paglikha ng isang maikling kwento. Sinabmit ko sa aming literary magazine noon. Madalas akong gumawa noon ng stage plays.

Nakita ko rin siya sa hagdanan ng UP College of Arts’ Palma Hall  na nililigawan niya si Angeli Pangilinan at tahimik akong ngumiti.

Minsan nagtagpo kami sa isang restaurant.  Katatapos lang ng press conference niya para sa isang pelikula, at ako naman ay kagagaling ko lang sa tiyahin at tiyuhin ko, kina Anita Garcia at Oscar P. Garcia, mga kilala sa negosyong real estate.

Makalipas ang maraming taon, sumikat si Gary V at natutuwa ako sa kanyang naabot na pangarap.

Hindi pa kami nagkikita ni Gary V buhat noon. Sa palagay ko, di pa naman niya ako limot.

***

NANG nag-aral ako sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City ay naging kaklase at katabi sa upuan si Joel Alano, isang aktor na nakilala sa mga pelikulang Blusang Itim, Pati Ba Pintig ng Puso, at Santa Claus Is Coming to Town.

Kinakantyawan ako ng mga kaklase ko dahil madalas ko raw pahiramin ng notes si Joel na laging absent noon dahil abala sa mga shooting.

Inaamin ko minsan pinakopya ko siya habang magkatabi kami sa upuan sa subject na Logical Thought na talaga naman mahirap unawain.

Nagtatampo sa akin iyong kaklase kong babae na miyembro ng Madrigal Singers noon dahil di ko raw siya pinapansin.  Kumusta na kaya siya ngayon?

***

MALAPIT na ang FAMAS Awards Night, at ito’y sa Mayo 26 na gagawin sa Manila Hotel. Sigurado akong abalang-abala si FAMAS president Francia Cheche Conrado na napakabait pala nang makasama ko sa Bolinao, Pangasinan  sa St. Joseph’s Home for the Elderly kung saan siya’y nag-abot ng tulong kay Sister Jeanne Maria para sa abandonadong matatanda.

Nandoon din sina FAMAS treasurer  Christina Aliada, director Romm Burlat at producer-actress Teresita Tolentino Pambuan na tumulong din.

Good luck sa mga magwawagi sa taong ito sa FAMAS.