Bea biktima ng mapanirang impormasyon kaya nagdemanda?; Diwata maraming pinadapang vloggers kaya sinisiraan
Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
EPEKTIBO talaga ang social media. Basta malakas ang wi fi/signal connection ay pwede kang magpahayag ng iyong damdamin, saloobin at magkumento. Tunay na sa digital platform ay malaya tayo na naihahayag ang gustong sabihin.
Pero, sa usaping syobis ay dapat alam mo ang batas na “Cyber Law”. Kung nuon tayo ay nala-libel dahil sa ating sinusulat sa pahayagan e iba ngayon, nasa digital platform.
Marami na ring nakatikim ng cyber libel. Pero, kamakailan si Bea Alonzo ay nag file ng tatlong magkakahiwalay na kasong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa “Cyber Libel,’ sa showbiz columnist and online host na si Cristy Fermin at online host/vlogger, online host cum manager na si Ogie Diaz kasama ang kanilang mga kasamahan.
Kinasuhan din ni Bea ang isang online basher niya.
Bea’s complaint affidavit states that she was the victim of false, maliscious and damaging information from someone who pretended to be close to her, which was published and discussed on Cristy Fermin and Ogie Diaz online shows without basis. Included also the alleged successive insults to the actress in their columns and shows, allegedly not paying the correct tax.
Kasama ni Bea nag-file ng kaso ang kanyang abogado na si Atty. Joey Garcia kasama ang manager niyang si Shirley Kwan.
***
NO DOUBT, SIKAT SI DIWATA
MABILIS ang production staffs ng Batang Quiapo, napapayag nila si Diwata, Pares sensation. Kaeksena lang naman nito sina Coco Martin, Ivana Alawi, Niko Natividad at Kim Rodrgiuez.
Look, ang daming sumawsaw sa kanyang kasikatan. Niluma niya ang magagaling na Vloggers at content creators.
Sa mga taong nakatikim at di nasarapan sa kanyang pares ( na may unli rice, sabaw at softdrinks) ay simple lang, huwag na kayong kakain. Di kaya inggit much lang kayo, huh!
Gan’un ang buhay Pinoy kapag umaangat ka, gusto ka nilang ibagsak.
Naku buhay….magsikap kayo at nang umasenso rin ang buhay ninyo. Tse!