Advertisers

Advertisers

Arrest warrant vs Digong et al…

0 4,857

Advertisers

UUSOK na naman ang tumbong ni dating Pangulo Rody Duterte sa inanunsyo na ito ni dating Senador Antonio Trillanes kaugnay ng nalalapit na paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga nasa likod ng brutal na patayan sa nakalipas na administrasyon.

Sabi ni Trillanes, posibleng sa kalagitnaan ng taon, Hunyo o Hulyo, ay mailalabas na ng ICC ang arrest warrant sa kasong ‘Crime against Humanity’ laban kina Duterte, dati niyang Chief PNP ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at iba pang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na silang nasa likod ng ‘extra judicial killings’ sa ‘war on drugs’ kungsaan sinabi ng human rights group na mahigit 30,000 ang mga walang pinatay pero sa datus ng Philippine National Police (PNP) mahigit 6,000 lang ang biktima.

Sinabi ni Trillanes na nakapanayam na ng ICC prosecutors ang mahigit sa 50 dati at kasalukuyang opisyal ng PNP na may kinalaman sa pagpatupad sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.



Nakapanayam narin daw ng ICC investigators ang mga kamag-anak ng mga biktima ng war on drugs.

Ibig sabihin, mga pare’t mare, nasa proseso na nga ng paggawa ng resolusyon sa kaso ang ICC laban kina Digong. Araguy!!!

Si Trillanes, ang numero unong kritiko ni Duterte na naging susi rin para makulong si dating pangulo Gloria M. Arroyo, ay isa sa mga nagsampa ng kaso laban kina Duterte sa ICC.

***

Matatandaan na sinabi ng isa sa mga testigo ng ICC, si retired Davao City Police Arturo Lascanas, sa isang interview ng online media na siguradong maglalabas ng arrest warrant ang ICC laban kina Digong. Hindi lang niya sigurado kung ngayong taon o sa sunod na taon.



Si Lascanas ay umaming naging“hitman” ng Davao Death Squad (DDS) noong mayor ng Davao City si Duterte.

Ibinunyag ni Lascanas na si Duterte ang lord ng drug lords sa kanilang lungsod.

Binanggit din niya ang pagkakasangkot sa mga patayan sa Davao City ang mga anak ni Digong na sina Congressman Polong at Vice President Sara .

Hinamon pa niya si Duterte na magharap sila sa ICC para malaman kung sino ang nagsisinungaling. Pero dehins nagreak rito ang dating Pangulo.

Anyway, abangan natin ang sinasabi nina Trillanes at Lascanas na paglabas ng arrest warrant ng ICC. Siguradong nag-iisip na ng pagtataguan ang mga maiisyuhan ng warrant. Mismo!

***

Iginigiit ng Department of Justice na mananagot ang mga opisyal na nagbigay ng testimonya sa ICC hinggil sa war on drugs.

Pero binaril ni Trillanes ang pahayag na ito ng DoJ, sinabing mas mananagot sa batas ang mga opisyal kapag hindi nakipagtulungan sa ICC, ayon narin sa resolusyon ng Korte Suprema.

Sakaling lumabas naman ang arrest warrant ng ICC, obligado ang gobyerno na ipatupad ito lalo kapag ang International Police na ang nag-serve ng warrant.

Kaabang-abang ito, mga pare’t mare. Huwag bibitaw!!!