Advertisers

Advertisers

Pulis nagsusulong ng anti-drugs, huli sa shabu

0 18

Advertisers

Kulong ang isang pulis nang masamsaman ng shabu sa isinagawang inspeksyon ng mga otoridad sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Alyas Rany, 26-anyos, at residente sa lungsod ng Tuguegarao. Nabatid na naiimbitahan rin ang suspek na maging panauhing pandangal sa mga anti-illegal drugs campaign.

Batay sa inisyal na impormasyon, 12:00 ng madaling araw nitong Mayo 3, 2024 nang ikasa ng mga otoridad ang naturang inspeksyon.



Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Kaugnay rito, agad naman siyang inaresto ng pulisya at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Samantala, ang pagkakahuli ng suspek ay patunay na hindi kinukunsinti ng pamunuan ng PNP ang anumang mga iligal na aktibidad ng mga miyembro nito.