Advertisers

Advertisers

P145.5m shabu nasamsam sa 4 tulak sa Zambo

0 7

Advertisers

Nagkakahalaga ng P 145.5 million shabu ang nasamsam at pagkakadakip 4 na drug pusher sa isinagawang buy bust operation sa Zamboanga City nitong Huwebes.

Kinilala ang mga 4 na nadakip na sina Wilson Sahiban, alias Tulo, 25; Junjimar Hajili Aiyob, 29; Jimy Sahibol, 30; at Abdurahman Abdulhakim, 27-anyos.

Ayon kay PBGen Bowenn Joey M. Masauding, PRO9 Regional Director, 6:20 ng gabi ng magsagawa ng buy bust ang pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency 9, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zambonaga City Field Unit, Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS6), City Intelligence Unit (CIU) – Zamboanga City Police Office at 1st Zamboanga City Mobile Force Company ZCMFC) sa Salam Drive, Purok 1, Barangay Mampang, Zamboanga City.



Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang (9) vacuum sealed transparent plastic bags ng naglalaman ng shabu na may timbang na 9kgs; (7) knot tied transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 700 grams; (27) heat sealed transparent plastic sachets ng shabu na may timbang na 1.2 kgs at open end transparent plastic bag na naglalaman ng shabu na maytimbang na 500 grams. Mark money cal 45 taurus Pistol , Blue-Gray Backpack l “The North Face”; (1) Black Backpack na may label “Cartelo”; Red-White Sando Bag; at Gray-Black Backpack labelled “Nike”; (14) pcs. bank deposit slips at money transfer receipts; (1) brown sling bag.

Ang mga nadakip na mga suspek dinala sa PDEA 9 para sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa RA9156 habang ang mga nasamsam na mga shabu ay isasa-ilalami sa pagsusuri,(Mark Obleada)