Advertisers

Advertisers

Nurse tumulong sa sumemplang na rider, binoga-patay

0 25

Advertisers

Nasawi ang isang nurse nang barilin ng isang sumemplang na rider sa Brgy. 173, North Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Mark John Blanco, 39, nurse. At ang suspek kinilalang si Joel Vecino, 54, isang security officer.

Sa ulat, tinulungan umano ng nurse ang sumemplang na rider. Bigla naman umanong nagalit ang rider nang hindi na umaandar ang kaniyang motor matapos ang insidente.

Dito na binaril ng rider ang tumutulong na nurse.

Ayon sa mga awtoridad, galing sa inuman ang rider at lasing na ito habang nagmamaneho.

Bukod kay Blanco, binaril din ni Vecino ang isa pang biktima na kinilalang si Willy Manarom, 39, na aawat lang sana sa suspek.

Agad namang naaresto ng Caloocan Police ang suspek matapos ang insidente. Nabawi rin mula rito ang ginamit na baril na kargado ng tatlong 9mm shell casings.

Mahaharap sa kasong double murder sa suspek.