Advertisers

Advertisers

Engkuwentro sa Batangas: 3 Tsekwa timbog, P3.4m shabu nasamsam

0 14

Advertisers

ARESTADO ang 3 Chinese National matapos ang may ilang minutong habulan sa pagitan ng mga ito, Regional Highway Patrol Unit 4A at PDEA 4A, sa Malvar, Batangas.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Koi, 23-anyos; alyas Ko Xiao, 50, babae; at alyas Yan Xing na isinugod sa Mary Mediatrics Medical Center Lipa City ng nasabing lalawigan nang magtamo ng sugat.

Ayon sa ulat, ala-1:45 ng hapon ng makatanggap ng tawag ang PHPT Batangas galing sa PDEA Batangas na may hinahabol silang sasakyan na may plakang UKI 519 AUDI Sedan na kulay itim nang tumakas ang tatlong Chinese National sa isinagawa nilang buy bust operation.



Agad na ipinag-utos ni PHPT Regional Director Police Col. Rommel C Estolano ang pagsasagawa ng flag down sa lahat ng pwedeng daanan ng mga suspek kung saan sa Km75 +100 Southbound Star tollway Brgy. San Andres, Malvar Batangas naharang ang sasakyan at nasakote ang 3 suspek.

Ayon sa ulat, nauwi sa palitan ng putok at umaatikabong habulan sa pagitan ng mga suspek at pulisya nang matunugan ng mga suspek na ang katransaksyon nila mga pulis.

Narekober ang isang brown paper bag na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 500 gramo ng shabu na may halagang P3,400,000.00 milyong piso.

Isang unit ng black iphone, 1 unit ng purple iphone , 2 android phone at ang sasakyang gamit ng mga suspek. (Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">