Advertisers

Advertisers

Cedric Lee sumuko sa NBI

0 7

Advertisers

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Cedric Lee nang mahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Nasa kostudya na ng NBI si Lee matapos itong sumuko, 8:00 ng gabi nitong Huwebes oras matapos ibaba ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ang hatol na guilty beyond reasonable doubt sa nabanggit na kaso na isinampa ni Vhong noong 2014.

Sa ulat, 7:30 ng gabi ng Huwebes nang sunduin ng mga ahente ng NBI si Lee nang magparating ng mensahe ng pagsuko.



Mas pinili raw ni Lee na sumuko dahil patuloy nitong makakausap ang kanyang mahal sa buhay at mga abogado kaysa maging pugante.

Bukod kay Lee, hinatulan din ng reclusion perpetua sa kaparehong kaso ang mga kapwa niya akusado na sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.

Iniutos ng korte sa mga akusado na bayaran si Navarro ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral damages at P100,000 bilang exemplary damages.

Kinansela rin ng korte ang bail bond ng mga akusado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">